GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, tuloy sa taping kahit naka wheelchair at saklay

By Marah Ruiz
Published April 7, 2025 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CT-TODA, Nakigtigom sa Kadagkuan sa mga Establisemento alang sa Traffic Plan | Balitang Bisdak
2025 SEA Games: PH falls to Malaysia in men’s football battle for bronze
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ginawa ng team 'Lolong: Pangil ng Maynila' ang lahat para makapag-taping si Ruru Madrid sa kabilang ng injury nito.

Tuloy ang trabaho para kay primetime action hero Ruru Madrid sa action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Matatandaang sinugod sa ospital si Ruru matapos magtamo ng injury sa kanyang hita habang ginagawa ang isang eksena para sa serye.

Sa kabila nito, sinikap ni Ruru na agad na makabalik sa trabaho.

Ipinasilip ng aktor ang pagbabalik niya sa set sa isang post sa Instagram.

Makikita ditong naka-wheelchair, saklay, at walker ang aktor sa gitna ng kanyang mga eksena.

Inaalalayan naman siya ng kanyang co-stars at iba pang miyembro ng produksiyon.

"After 4 days of bed rest, nakabalik na rin ako sa taping ng Lolong. Sabi ng doktor, kailangan ko raw magpahinga ng 2 to 3 weeks para tuluyang gumaling 'yung pulled hamstring ko. Pero kinausap ko siya--sabi ko kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ang usapan: limitahan lang muna ang galaw ko, at makikipag-coordinate ako sa production kung paano namin maaayos ang mga eksena," sulat niya sa Instagram.

Aminado si Ruru na hindi pa siya tuluyang magaling dahil sandali pa lang ang panahon ng kanyang pahinga.

Sa kabila nito, nangako siyang aalagaan ang sarili kasabay ng pag-aalaga niya sa magandang simula ng serye.

"Kinausap ko ang buong team, at gumawa kami ng paraan kung paano maisusulong ang mga eksena kahit limitado ang kilos ko. Mahirap--dahil yung isip ko gustong-gusto na, pero 'yung katawan ko may hangganan pa. Pero alam ko rin, parte ng trabaho ang alagaan ang sarili para makabalik nang buo at mas mabilis," lahad niya.

Lubos ang pasasalamat niya sa team ng Lolong: Pangil ng Maynila dahil sa talagang ginawa ng produksiyon ang lahat para ma-accomodate si Ruru at ang kanyang kundisyon.

"Ang laking pasasalamat ko sa buong Lolong family. Sila ang nag-adjust, nag-revise ng script, nag-alaga, at nagparamdam na hindi ako nag-iisa--kahit pagod at kulang sa tulog. Totoo talaga--hindi lang talento ang bumubuo ng isang proyekto, kundi malasakit at pagmamahalan sa isa't isa," pagpapatuloy na kanyang caption.

Nagpasalamat din si Ruru sa lahat ng taong patuloy na tumutulong sa kanyang pagpapagaling.

"Maraming salamat din sa lahat ng sumusuporta sa Lolong--ramdam ko ang pagmamahal niyo. Sa pamilya ko, kay Bianca na laging nandyan, at higit sa lahat, sa Ama na palaging nagbibigay ng lakas, gabay, at dahilan para bumangon.

"Hindi hadlang ang injury kapag buo ang puso. Para sa sining. Para sa pangarap. Para sa mga taong naniniwala sa 'kin. Laban lang! ," dagdag niya.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila, sanay na sa buhay sa siyudad si Lolong (Ruru Madrid).

Nagtatrabaho siya sa fish port sa umaga at isa namang armadong tauhan ng isang big time boss sa gabi.

Unti-unti niyang inuubos ang mga tauhan ni Julio (John Arcilla) bilang paghahanda sa kanyang paghihiganti.

Patuloy na panoorin si Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.