GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, refreshed at recharged pagkatapos magbakasyon

By Marah Ruiz
Published April 25, 2025 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Matapos ang kanyang healing trip, handa na ulit sumabak sa matitinding action scenes si Ruru Madrid sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Grateful si primetime action hero Ruru Madrid sa pagkakataong magkaroon ng maikling bakasyon.

Pinagtuunan ng pansin at alaga ni Ruru ang kanyang isip at katawan sa isang luxury wellness facility noong nakaraang Holy Week.

Kasama ang girlfriend at kapwa Kapuso na si Bianca Umali, nag-relax siya habang napapalibutan ng nature sa Batangas.

Naglaan din ng quality time si Ruru para manood ng kanyang favorite shows, kumain ng healthy food, mag-exercise, at sumalang sa art therapy.

Ibinahagi niya ang ilang mga pictures mula sa kanyang bakasyon sa kanyang Instagram account.

"camera roll after my trip ," simpleng caption ng kanyang post.

Isang post na ibinahagi ni Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Refreshed and recharged siya kaya talagang ganado siyang magbalik sa trabaho matapos nito.

SILIPIN ANG MAIKLING BAKASYON NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI DITO:


Muling mapapasabak si Ruru sa matinding aksyon sa pinagbibidahan niyang primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Ang kanyang karakter na si Lolong ang bagong target ng mga pulis na vigilante hunters.

Bukod dito, alam na rin nina Julio (John Arcilla) at Dona (Jean Garcia) na buhay pa siya kaya susugod sila sa Maynila para iligpit si Lolong.

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.