What's on TV

Ruru Madrid, natutong maging mas maingat sa trabaho

By Marah Ruiz
Published May 6, 2025 3:21 PM PHT
Updated May 6, 2025 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid now more careful


Mas maingat na raw ngayon si Ruru Madrid sa kanyang mga proyekto, kabilang ang 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Natutong maging mas maingat si primetime action hero Ruru Madrid matapos ang kanyang recent na injury.

Matatandaang nagkaroon ng strain sa kanyang hamstring si Ruru habang ginagawa ang isang eksena sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Ayon sa aktor, hindi naman daw talaga maiiwasan ang injuries lalo na sa mga programang maraming action scenes.

Gayunpaman, nagsilbing lesson daw sa kanya ang karanasang ito.

"Natututo ako siyempre na mas maging maingat, hindi lang para sa 'kin kundi pati po sa mga kasamahan ko dito sa programang ito," lahad niya.

Ibinahagi na rin niyang "almost fully recovered" na rin ang kanyang hamstring.

"Ever since then, talagang pinahinga ko siya. At saka nakapag-rehab na rin ako. Almost every day, may mga few exercises ako na ginagawa para mas mapabilis 'yung paggaling," paliwanag ni Ruru.

Lubos din ang pasasalamat niya sa mga tao sa likod ng Lolong: Pangil ng Maynila dahil nagawan nila ng paraan na maging action-packed pa rin ang serye kahit na kinailangan niyang magpahinga.

"Inunti-unti namin hanggang sa nakakatayo na 'ko. May mga konting galaw na pero bumabaril pa rin. Tulung-tulong kami dito. Mula po sa stunt department to our directorial team, lahat actually, the crew, everybody, nagtutulungan para hindi po mahinto 'yung action," bahagi niya.

Source: rurumadrid8

Mas marami pang bakbakan ang dapat abangan sa susunod na mga episodes ng Lolong: Pangil ng Maynila.

Natunton na kasi ni Ivan (Martin del Rosario) ang tahanan ni Lolong (Ruru Madrid) sa Maynila.

Sinugod niya ito kaya malalagay sa panganib ang mga taong itunuring nang pamilya nila Lolong. Mayroon ba sa kanila na nanganganib mamaalan?

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.