What's on TV

Ruru Madrid, pinuri si Shaira Diaz at mga batang co-stars nila

By Marah Ruiz
Published May 22, 2025 11:18 AM PHT
Updated May 22, 2025 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid, Shaira Diaz, Sienna Stevens, Nathaniel Enaje


Pinuri ni Ruru Madrid ang kanyang 'Lolong: Pangil ng Maynila' co-stars na sina Shaira Diaz, Sienna Stevens, at Nathaniel Enaje.

Puno ng papuri si primetime action hero Ruru Madrid sa kanyang co-stars sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Humanga si Ruru leading lady niya sa action drama series na si Kapuso actress Shaira Diaz.

"Hindi po madali ang gumawa ng aksiyon na teleserye. At bukod po diyan, nakita naman po natin itong mga huling episodes, talagang binuhos na ni Elsie ang drama sa lahat ng mga eksena niya. Binugbog, inuntog ni Ivan, lahat-lahat, nilagyan ng kanin at menudo sa mukha. Pero ito po 'yung magsisilbing panibagong lakas po sa amin," papuri niya sa aktres.

Bukod kay Shaira, nagbigay rin ng papuri si Ruru sa dalawang child co-stars nilang sina Sienna Stevens at Nathaniel Enaje.

Ang mga ito ang gumaganap bilang mga anak niya sa serye.


"Sobrang talented at saka malalambing. Pagka nasa eksena, maaramdam mo talaga na sincere sila. Hindi lang sila nandito para magtrabaho or magkulit. Kita mo rin 'yung pagmamahal nila sa ginagawa nila," paglalarawan ni Ruru sa mga bata.

Samantala, matapos mabuo ang pamilya ng karakter niyang si Lolong, marami pa raw dapat abangan sa Lolong: Pangil ng Maynila.

"Marami pong mga rebelasyon ang mga mangyayari dito po sa susunod po natin na mga episodes. Mayroon ding mga mabubuhay at madadagdag na kalaban. Mayroon ding magkakaaminan kung ano ba talaga ang totoo nilang pagkatao," lahad ni Ruru.

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.