
Talagang masaya ang taping ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Napuno ng tawanan ang waiting area sa set nang mag-acting showdown ang co-stars na sina Shaira Diaz at Mikoy Morales.
Pareho nilang ginaya ang pag-arte ng bida ng serye at mabuti nilang kaibigan na si primetime action hero Ruru Madrid.
Nauna si Shaira sa pagbitaw ng kanyang mga linya. Sinundan naman ito ni Mikoy na hindi lang ginaya ang linya ni Ruru bilang Lolong, kundi pati ang pagmo-motivate nito sa kanyang co-stars bago kumuha ng mga eksena.
Tuwang tuwa sina Jean Garcia na kasama nila sa tent at umamin ito na gawain ng lahat ng cast ang gayahin si Ruru mula noong unang season pa lang ng serye.
Rinig din ang hagikgik ni Rochelle Pangilinan na siya namang kumukuha ng video.
Ginaya rin ni Shaira ang ilang linya ni Jean bilang ang kontrabidang si Dona.
Bigla namang pumasok si Ruru sa tent at muling ipinakita nina Shaira at Mikoy ang kanilang Ruru Madrid acting sa kanya.
Panoorin ang kanilang acting showdown at ang reaction ni Ruru dito:
Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Lolong: Pangil ng Maynila, nagtatago si Lolong (Ruru Madrid) at kanyang pamilya dahil patuloy silang tinutugis ni Dona (Jean Garcia).
Tatanggapin na ba ni Lolong ang tulong ng tunay niyang ama na si Julio (John Arcilla)?
Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.