GMA Logo Lolong: Pangil ng Maynila
Photo: rurumadrid8 (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid, puno ng pasasalamat sa huling taping ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 10, 2025 3:01 PM PHT
Updated June 10, 2025 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong: Pangil ng Maynila


Ipinahayag ni Ruru Madrid ang kanyang pasasalamat sa huling araw ng taping ng 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Tapos na ang taping ng primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Dahil diyan, puno ng pasasalamat ang bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Ruru ang ilang litrato ng mga paborito niyang moments mula sa set ng serye.

Kalakip nito ang isang mahabang mensahe kung saan nagbalik-tanaw siya at nagpasalamat sa lahat ng mga nakasama niya rito.

"Lolong: Signing off.

"Kagabi, natapos na ang huling taping day ng Lolong. Hanggang ngayon, may sepanx pa rin. What a journey…," panimula niya.

Para kay Ruru, isang mahabang paglalakbay na puno ng mga challenges ang pangalawang season ng Lolong.

"Hindi naging madali--may mga sugat, luha, pagod, at sakripisyo. Dumaan kami sa matitinding pagsubok, lalo na nung hindi ako makagalaw dahil sa injury. Kailangan naming baguhin ang takbo ng kwento. Pero hindi tumigil ang laban. Hindi bumitaw ang bawat isa. Lahat nag-step up, nagkaisa, at piniling lumaban para sa isa't isa.

"Pinilit kong bumangon at magtrabaho kahit may iniinda, dahil alam kong kailangan nila ako--at kailangan namin ang isa't isa. Dahil para sa amin, ang totoong tagumpay ay nasa samahan, sa puso, at sa tibay ng loob," bahagi niya.

Marami raw bagong natutunan si Ruru na karagdagan pa sa mga lessons mula sa unang season ng programa.

"Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng naging parte ng proyektong ito. Marami akong natutunan--bilang artista, bilang kakampi, at bilang tao. At lahat ng ito, dadalhin ko habang buhay. Mahal ko kayo," sulat niya.

Lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng taong naging bahagi ng Lolong.

"I'm beyond grateful na muling bigyang-buhay ang karakter ni Lolong. Isang bihirang pagkakataon na maipagpatuloy ang kwento ng isang karakter na sobra kong minahal. To revisit his story, wear his skin again, and fight his battles--what a blessing.

'At habang buhay akong magiging thankful sa GMA, GMA Public Affairs, at Sparkle--sa tiwala, suporta, at sa pagkakataong ibalik si Lolong sa ikalawang pagkakataon. Sobrang laking bagay nito para sa akin. Hindi ko ito kailanman kakalimutan," mensahe niya.

Kaya naman matapos ang lahat ng ito, inialay ni Ruru ang serye sa mga manonood na laging nakatutok dito.

"Salamat sa lahat ng sumuporta at sumama sa paglalakbay namin… Huling linggo na ng Lolong--sana samahan n'yo kami hanggang dulo. Para sa inyo 'to. Para sa bayan. Para sa bawat pusong lumalaban...," aniya.

Sa kanyang pagpapaalam, umaasa siyang dadalhin din ng mga manonood ng Lolong ang mga aral nito tulad niya.

"Hindi dito nagtatapos ang Lolong--dahil ang tunay na bayani, hindi kailanman nawawala.

"Kaya hanggang sa muli, paalam! - Lolong," pagtatapos ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)



Samantala, mas nagiging exciting pa ang kuwento ng Lolong: Pangil ng Maynila.

Nasa kamay na nina Dona (Jean Garcia) at Ivan (Martin del Rosario) si Elsie (Shaira Diaz) na nakatakda nang manganak.

Matapos magpalakas muli, handa na si Lolong (Ruru Madrid) na muling makaharap ang mga mortal niyang kaaway para mabawi ang kanyang pamilya.

Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.