GMA Logo Jennylyn Mercado
Source: aguilaartists (IG)
What's on TV

Jennylyn Mercado stuns in first media conference after giving birth: 'Parang 'di nanganak'

By Jansen Ramos
Published January 9, 2024 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado


Kitang-kita na na-maintain ni Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak nang dumalo sa media conference ng kanyang bagong GMA series na 'Love. Die. Repeat.'

Agaw-eksena ang kaseksihan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado nang dumalo sa media conference ng comeback series niyang Love. Die. Repeat. na magpe-premiere sa Lunes, January 15, sa GMA Prime. Ginanap ang media conference kahapon, January 8, sa Zenith Hall ng Luxent Hotel sa Quezon City.

Kapansin-pansin na na-maintain ni Jen ang kanyang figure matapos isilang ang kanyang pangalawang anak na si Dylan Jayde noong April 25, 2022. Si Dylan Jayde ay unang anak nila ng asawang si Dennis Trillo.

Ito ang unang beses ng aktres na humarap sa media matapos marahil ang tatlong taon. Maging sa social media, usap-usapan ang hubog ng katawan ni Jen na may suot na berdeng corset at skirt. Ipinakita din niya sa media conference ng Love. Die. Repeat. ang kanyang bagong hairdo matapos magpa-hair extensions. Sa serye, maikli ang buhok ng aktres.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Karamihan sa mga komento ng netizens parang hindi raw nanganak ang 36-year-old Kapuso star dahil sa kanyang seksing pangangatawan, gaya ng sinabi ng Facebook user na si Mary Ann Saraum Villamor.

"Gandang walang ka kupas kupas grabi kahit may dalawang anak na yan pero muka parin dalaga walang nabago ang ganda at sexy parin nya mapa sana all ka nalang talaga.."

Ika naman ng isa pang Facebook user na si Mable Santos, "ganda p rin jennylyn,usually d ko type ang beauty at personality ng mga under d sign taurus,and d other way around,very rare,pero she is an exception,i've been a fan since."

Dumalo rin sa media conference ng Love. Die. Repeat. ang katambal ni Jen na si Xian Lim at iba pang stars nito na sina Mike Tan, Ina Feleo, Nonie Buencamino, Shyr Valdez, Malou de Guzman, at Victor Anastacio.

Present din sa event ang isa sa dalawang direktor ng drama series na si Jerry Sineneng. Tumayo ring direktor nito si Irene Villamor.

Ipapalabas ang Love. Die. Repeat. weeknights, simula January 15, 8:50 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at online via Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.