
Inabangan ang pagbabalik-primetime ng nag-iisang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado via GMA drama series na Love. Die. Repeat. Nag-premiere ito kagabi, January 15, sa GMA Prime.
Sa X (dating Twitter), nag-trend ang official hashtag ng pilot episode ng programa na #LoveDieRepeatPilot kung saan nakakuha ito ng mahigit 8,000 tweets.
Sa unang episode ng Love. Die. Repeat., ipinakilala ang mga karakter ni Jennylyn at ng katambal niya sa serye na si Xian bilang Angela at Bernard.
Habang nagha-hiking sa Mt. Kanlaon, nakilala ni Angela si Bernard.
Nagkita sila noong panahong lumayo muna si Angela sa preskong boyfriend na si Elton (Mike Tan) matapos itong mag-propose. Hindi ito tinanggap ni Angela matapos niyang mahuli ang nobyo na may kahalikan habang sila ay nasa hiking.
Tila na-love at first sight si Bernard kay Angela. Naging confidante din ng dalaga ang lalaki matapos siyang maglabas ng hinaing mula sa sinapit sa kanyang ex.
Habang malayo sa camping site, may matandang humingi ng tulong. Agad namang tinulungan ito nina Angela at Bernard pero nag-iwan nang matalinhagang salita ang matanda nang sabihing magkadugtong sila sa pag-ibig at kamatayan.
Nang makabalik na si Angela sa camping site, nag-sorry siya sa dalawang kaibigang sina Chloe (Valeen Montenegro) at Jessie (Ina Feleo) dahil matagal siya nakabalik. Nagtaka naman si Chloe dahil sandali lang nawala si Angela. Nang tingnan ni Angela ang kanyang relo, limang minuto lang siya nawala na taliwas sa pag-aakala niyang ilang oras siyang nawala. Dito na napagtanto ni Angela na posible siyang na-engkanto habang nasa bundok.
Marami naman ang humanga sa dedikasyon ni Jennylyn na ibalik ang kanyang dating figure para consistent ang continuity ng kanyang karakter. Matatandaang 2021 ang unang produksyon ng Love. Die. Repeat. at nahinto matapos ang pagbubuntis ni Jen. Taong 2023 nang bumalik sila sa taping, mahigit isang taon matapos manganak ang aktres.
Tweet ni @lurker_beauty, "I commend @MercadoJen kasi grabe how she religiously challenged herself to get back her body after mapanganak si Dylan. Importante kasi continuity ng character niya sa ganitong genre #LoveDieRepeat #LoveDieRepeatPilot."
I commend @MercadoJen kasi grabe how she religiously challenged herself to get back her body after mapanganak si Dylan. Importante kasi continuity ng character niya sa ganitong genre #LoveDieRepeat #LoveDieRepeatPilot
-- lurker_beauty (@lurker_beauty) January 15, 2024
Komento pa ng isang netizen, walang kupas ang galing ni Jen sa pag-arte.
Ayon sa tweet ni @mahalkhooooo143, "Ang ganda ng ts na ito promise,pilot episode p lng ang creepy na. Congrats! at welcome back Ms Jennelyn Mercado-trillo na miss k nmin wala ka pa ring kupas sa galing at kagandahan #LoveDieRepeatPilot."
Ang ganda ng ts na ito promise,pilot episode p lng ang creepy na. Congrats! at welcome back Ms Jennelyn Mercado-trillo na miss k nmin wala ka pa ring kupas sa galing at kagandahan#LoveDieRepeatPilot https://t.co/yUepxOC3Z0
-- MyPreciousOne❤ (@mahalkhooooo143) January 15, 2024
Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Available din ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.
Ipapalabas din ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.
Ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Irene Villamor at Jerry Sineneng.