
Marami ang naka-relate sa eksena ni Jennylyn Mercado sa GMA Prime series na Love. Die. Repeat. sa February 20-episode ng serye, kung saan kinompronta ng character ng aktres na si Angela ang asawang si Bernard, na ginagampanan ni Xian Lim, matapos niyang mahuli ang pambabae nito.
Ayon sa viewers ng suspense drama series, damang-dama ang emosyon ng Ultimate Star na balde-balde ang iniluha para sa nasabing eksena.
Dito ay kinompronta ni Angela ang pambabae ng kanyang mister, kung saan hinangaan ang pagbitaw ni Jen ng mga makatotohanang linya.
Komento ni @marinelorubia353, "No wonder she is the Ultimate Star, kasi grabe naman talaga SOBRANG GALING, bawat linya tagos talaga, walang linyang nilalamon at makatotohanan bawat eksena at linya. Kudos to the Writer napakahusay, tas nung nilapatan na ng emotion grabe sobrang Gold!!. JENNYLYN MERCADO WILL ALWAYS BE JENNYLYN MERCADO !!... SUPER GALING!!!!!"
Mahusay rin daw ang pagkontrol ni Jen ng kanyang boses sa tuwing umaarte.
Reaksyon ni @JhennDevota, "Ang gustong gusto ko talaga kay jennylyn yung speaking voice niya! lalu na pag galit at sumisigaw siya hehe..."
Marami naman ang nadala sa emosyon nina Jennylyn at Xian dahil sa mabigat nilang tagpo.
Sa nasabing episode, hindi inamin ni Bernard na si Chloe (Valeen Montenegro), na kaibigan ng kanyang asawang si Angela, ang kanyang naging babae.
Sinabi ni Bernard na hindi niya kilala ang babae dahil nakita niya lang ito sa bar.
Tinanong naman ni Angela kung may nangyari sa kanila ng babae na tinugunan naman ni Bernard.
Base sa mga komento, galit ang nadama ng Love. Die. Repeat. viewers dahil sa pagsisinungaling muli ni Bernard sa kanyang msis.
Basahin ang ilang reaksyon dito.
Mapapanood ang Love. Die. Repeat. weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.
Available rin ito online via Kapuso Stream kasabay ng pag-ere sa TV.
May replay naman ang serye sa GTV sa oras na 10:50 ng gabi.
Mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, ang Love. Die. Repeat. ay mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.
Samantala, tingnan ang mga naganap sa media conference ng teleseryeng Love. Die. Repeat. sa gallery na ito: