Katatampukan nina Ms. Perla Bautista at Gerald Madrid ang mala-impyernong buhay ng isang ina sa kamay ng nagrerebelde at nag-iisang niyang anak.
Gagampanan ni Gerald Madrid ang katauhan ni Arturo Canda, ang mapagmalupit na nag-iisang anak ni Nanay Lourdes, na gagampanan naman ni Ms. Perla Bautista.
Lumaki si Arturo na sinisisi si Nanay Lourdes sa pag-iwan sa kanila ng kanyang ama. Ngayong 40 years old na siya ay patuloy pa rin niyang sinasaktan ang higit 60 years old na niyang ina.
Nasasaksihan din ng mga anak ni Arturo ang pananakit ng kanilang ama sa kanilang lola.
Hanggang kailan matitiis ni Nanay Lourdes ang kalupitan ng kanyang anak?
May puwang pa kaya sa puso si Arturo para magsisi at magbago?
Alamin ang maipapayo ng ating love experts sa mag-ina.
Tuluyan na kayang magkaayos sina Nanay Lourdes at Arturo? Alamin ngayong Biyernes, July 3 sa ‘Love Hotline.’