Fans, excited na sa first appearance ni Rhian Ramos sa 'Love Of My Life'
Published On: February 19, 2020, 08:11 PM
Kamakailan lang ay ipinakilala na ang karakter ni Mikael Daez na si Nikolai sa Love Of My Life, ang kapatid ni Stefano (Tom Rodriguez) at estranged na anak ni Isabella (Coney Reyes).
Mamayang gabi, February 19, ay ipapakilala naman si Kelly na ginagampanan ni Rhian Ramos, ang ex at ina ng anak ni Stefano.
Pinaabot naman ng fans ni Rhian kung gaano sila ka-excited mapanood ang kanilang idol sa Love Of My Life.
Basahin ang kanilang tweets below:
Abangan ang paganda nang pagandang kuwento ng Love Of My Life gabi-gabi sa GMA Telebabad. Mag-catch up din sa past episodes ng inyong paboritong Kapuso shows sa GMA Network official website o i-download ang official app.