TV

Mikael Daez, inisnab ni Coney Reyes sa set ng 'Love Of My Life?'

By Felix Ilaya

Kahit behind-the-scenes, feeling black sheep pa din daw ang Kapuso star na si Mikael Daez sa kaniyang Love Of My Life co-actors.

Mikael Daez

Kuwento ni Mikael sa kaniyang latest Instagram post, hindi raw siya pinansin ng kaniyang co-star na si Coney Reyes nang magpaalam siya rito kaya napagtawanan siya ng co-actors niyang sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Tom Rodriguez.

"Kahit behind-the-scenes, black sheep pa rin si Nikolai! But in the end, makikita n'yo rin ang totoong relationship namin ni Isabella. BTW, miss you Koya @akosimangtomas. I'm glad you are all enjoying #LoveOfMyLife, having so much playing Nikolai."

Panoorin ang nakakatuwang kulitan ng Love Of My Life cast sa BTS video ni Mikael below:

Binibigyang buhay nina Mikael at Coney ang mga karakter nina Nikolai at Isabella sa Love Of My Life, ang mag-inang malayo ang loob sa isa't isa.

Sa pagkamatay ng panganay ni Isabella at kuya ni Nikolai na si Stefano, played by Tom Rodriguez, magkakaayos kaya ang dalawa?

Mag-catch up sa inyong paboritong Kapuso teleserye, pumunta lang sa official website ng GMA Network o i-download ang official GMA Network app.

Dramatic actress Coney Reyes flexes her acting prowess in 'Love Of My Life'