GMA Logo
What's on TV

Crystal Paras at Angelica Ulip, mapapanood na sa 'Love Of My Life'

By Felix Ilaya
Published March 18, 2020 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang mga bagong karakter na dadagdag sa kuwento ng 'Love Of My Life.'

Sa March 17 episode ng Love Of My Life ipinakita na ang mga bagong karakter na may kinalaman sa nakaraan ni Kelly (Rhian Ramos).

Dito ipinakilala si Edong (William Lorenzo), ang huthuterong ama ni Kelly. Manghihingi siya ng pera sa anak na pambayad daw ng kaniyang utang kahit hindi naman ito totoo.

Lingid sa kaalaman ni Kelly, mapupunta lang pala ang perang ito sa pangalawang pamilya ni Edong; sa asawa nitong si Jessa (Crystal Paras) at kanilang anak na si Janina (Angelica Ulip).

Panoorin ang eksenang ito sa Love Of My Life:

Abangan ang mga mahuhusay na aktor na sina William Lorenzo, Crystal Paras, at Angelica Ulip sa Love Of My Life.

Good evening, everyone! Tutok na po kayo sa @gmanetwork dahil nagsisimula na ang #LoveOfMyLifeGMA #LOMLKellysBaggage at 9:20PM ❤️

Isang post na ibinahagi ni Crystal Baranda Paras (@crystalparas) noong

Hello March!❤❤❤ Wearing my favorite dress and shoes from @moosegearkids and @meetmyfeetkids #Ootd #MooseGear #MooseGearStyle #MooseGirlStyle #ILoveMG #ShoesOfTheDay #MeetMyFeetKids #ExploreInStyle

Isang post na ibinahagi ni Angelica Ulip (@angelicafaith888) noong

Dahil sa enhanced community quarantine dahil sa COVD-19, pansamantalang huminto muna ang Love Of My Life Team sa kanilang taping. Simula March 23, muling mapapanood sa GMA Telebabad ang kontrobersyal na seryeng My Husband's Lover na pinagbibidahan din nina Carla Abellana at Tom Rodriguez together with Dennis Trillo.

Kontrobersyal na seryeng 'My Husband's Lover,' muling matutunghayan sa telebisyon