TV

'Love of My Life' cast, naghahanda na para sa 22-day lock-in taping

By Dianara Alegre

Longer than usual ang magiging lock-in taping ng primetime series na Love of My Life na pinagbibidahan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos at Mikael Daez.

Aabot ng 22 araw ang lock-in taping nila sa para fresh episodes ng serye at ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng cast ang pagsabak dito.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi nila ang ilan sa mga paghahanda kabilang na ang mga iiimpakeng gamit.

“Minsan iniisip mo, 'Kailangan ko ba talagang dalhin ito?', 'Baka hanapin ko kapag nandu'n ako,' mga ganu'n tsaka 'yung mga pagkain,” lahad ni Coney.

Para naman kay Mikael, dahil work trip ito, iiwasan niyang magdala ng maraming gamit.

Source: coneyreyes (IG)

“As much as possible dahil work trip 'to I'd like to avoid that. Mahirap kung kulangin ng underwear mga gano'n. Essentials like that sana hindi ko na isipin,” aniya.

Isa naman umano sa mga dadalhin ni Rhian ang portable washing machine na sa magiging kwarto niya ilalagay.

“I think 'yung mga dadalhin ko na kakaiba talaga, mayroon akong mini washing machine na dadalhin for the room.

"I guess 'yung mga smaller thing 'yung mga intimate things like that that you don't want them to wash doon sa labas,” aniya.

Source: whianwamos (IG)

Ipinakita naman ni Carla sa kanyang vlog ang kanyang mga paghahanda, gaya ng mga damit na dadalhin, makeup at pang-ayos sa buhok dahil sila na mismo ang mag-aayos sa sarili nila.

Binawasan kasi ang bilang ng crew at staff ng serye bilang pagsunod sa safety protocols kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito, may dala rin umano si Carla na para naman sa pagkain niya.

“May dadalhin akong cooker. It's a travel cooker. Maliit lang siya portable. At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako na packable lang siyang cooker,” kwento niya.

Source: carlaangeline (IG)

Mapapanood ang full catch-up episodes ng Love of My Life sa YouTube channel ng GMA Network bilang parte ng YouTube Super Stream.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.