TV

WATCH: Jennylyn Mercado, na-starstruck kay Gabby Concepcion

By Cara Emmeline Garcia

Tuluy-tuloy na ang taping ng bagong Kapuso romcom series na Love You Two.

Jennylyn Mercado

Ayon kay Kapuso actress Jennylyn Mercado na bibida sa serye, masaya siya sa kanyang mga katrabaho lalung-lalo na sa kanyang leading man na si Gabby Concepcion.

Ani ni Jennylyn, “Alam niyo na si Kuya Gabby, nakakakabang katrabaho dahil siyempre dati pinapanood ko lang siya. Pero ngayon nakakatrabaho ko na siya at napakagaling po niyang artista.”

Ginagampanan ni Jennylyn si Raffy na very devoted sa kaniyang pamilya kaya naman overprotective siya sa kaniyang nakababatang kapatid na si Sam ang karakter ni Shaira Diaz.

Kuwento ng aktres, nakaka-relate daw siya sa kaniyang role.

“Siguro dahil kasi mag-isa na lang ako at ako yung nagtataguyod sa sarili kong pamilya.”

READ: Magkapatid na na-in-love sa iisang “the one” tampok sa 'Love You Two'

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago:

Gabby Concepcion teams up with Jennylyn Mercado in new soap