TV

WATCH: Second full episode of 'Love You Two'

By Jansen Ramos

Sa April 23 episode ng Love You Two, halos pagsakluban ng langit at lupa si Raffy matapos makipaghiwalay si Theo sa kaniya.

Gusto niyang kalimutan ang lahat ng memories kasama ang kaniyang ex-boyfriend pero patuloy pa rin itong nananatili sa kaniyang isipan.

Samantala, kabaligtaran naman nito ang nararanasan ng younger sister ni Raffy na si Sam.

Dumada-moves ang huli kay Jake na minsan niyang nakilala sa isang event sa hotel na mina-manage nito.

Kahit medyo tito, pursigidong kilalanin ni Sam si Jake dahil single naman ito.

Balikan ang mga nakakaantig na tagpong 'yan sa second full episode ng Love You Two:

WATCH: Full pilot episode of 'Love You Two'