TV

WATCH: 'Love You Two' cast kinilg sa papuring natanggap sa pilot episode

By Cara Emmeline Garcia

Kinilig sina Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa magagandang feedback na natanggap nila sa pilot episode ng Love You Two.

Noong Lunes, April 22, umani ng papuri ang show at naging trending topic pa sa Twitter ang cast, production, at plot ng nasabing show.

LOOK: 'Love You Two' pilot episode trends on Twitter

Ayon sa #GabJen tandem, sulit daw ang kanilang pagod at puyat dahil nakakapaghatid sila ng saya gabi-gabi sa mga manununood.

Hikayat ni Gabby sa mga fans, “Manood kayo between 9:30 to 10 ang umpisa.

“Mage-enjoy kayo! Mawawala 'yung sama ng loob ninyo kung ano man ang dinadadaanan ninyo.

“At para ma-iba naman.”

Pahayag naman ni Jennylyn, “Yun 'yung gusto talaga namin mabigay sa mga tao.

“Yung maging masaya sila dahil ang dami natin pinagdadaanan bago matulog at ayaw namin bigyan pa ng stress 'yung mga tao.

“Deserve ng mga viewers yan na mapasaya, mapaiyak, at pakiligin namin sila para sulit naman 'yung pagpupuyat nila.”

Patuloy na tangkilikin ang sanga-sangang love story sa Love You Two, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Panuorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

WATCH: Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, may mensahe sa mga nanood ng 'Love You Two' pilot episode