TV

WATCH: 'Love You Two' stars, tinawanan ang kanilang old makeup looks and OOTDs

By Cara Emmeline Garcia

Napa-throwback sina Love You Two stars Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Shaira Diaz, at Sheena Halili nang ipakita ang outfits na isinuot nila noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

Jennylyn Mercado, Solenn Heussaff, Shaira Diaz, at Sheena Halili

At nang ipakita sa kanila ng Unang Hirit ang kanilang old school OOTDs, 'di nila mapigilan na tawanan ang sarili nila sa laki ng ipinagbago nila sa pananamit.

Si Jennylyn Mercado, gulat na gulat sa choices ng color ng kaniyang eyeshadow at sa nipis ng kaniyang kilay noon.

“Grabe 'yung nagagawa ng puberty sa tao ano?” aniya.

“Ang nipis ng kilay at ang laki ng mukha ko diyan. Pero 'yung ilong, 'yung lips, and 'yung teeth ganun pa rin. Pero 'yung kilay ko talaga 'yung, 'Huh? One line?' at yellow eyeshadow ha!”

Panoorin ang kanilang reaction to their OOTDs sa video na ito:

WATCH: Solenn Heussaff, makikigulo sa riot na love triangle sa 'Love You Two'