TV

Tandem nina Jennylyn Mercado at Nar Cabico sa 'Love You Two,' kinaaaliwan!

By Jansen Ramos

Kinaaaliwan ang tandem ng real-life beshies na sina Jennylyn Mercado at Nar Cabico sa GMA rom-com series na Love You Two.

Sa serye, ginagampanan ni Nar ang papel ni Migs na siyang nagsisilbing confidant ni Raffy, ginagampan ni Jennylyn, pagdating sa love life nito.

Nar Cabico at Jennylyn Mercado

Ayon sa tweets ng netizens, laughtrip daw ang kanilang mga eksena dahil tila makatotohanan ang kanilang pag-arte.

Para sa inyong daily dose of good vibes, patuloy na subaybayan ang Love You Two, pagkatapos ng The Better Woman sa GMA Telebabad.