TV

Netizens amused over Lianne's character in 'Love You Two'

By Jansen Ramos

Pinag-usapan sa social media ang kontrobersiyal na karakter ni Lianne, ginagampan ni Solenn Heussaff, sa Love You Two.

Sa July 4 episode ng Kapuso rom-com series, inamin ni Lianne kay Raffy, ginagampanan ni Jennylyn Mercado, na isa siyang bisexual at may gusto siya rito.

Lianne, inaming may gusto kay Raffy | Ep. 53

Naging maugong ang eksenang ito sa Twitter at ikinatuwa naman ng netizens, kabilang ang ilang miyembro ng LGBTQ+, ang pagiging open ng programa sa ganitong sitwasyon.

Sa katunayan, patuloy pa ring sinusuportahan ng netizens ang tambalang "LiaFfy," pinagsamang pangalan nina Lianne at Raffy, kahit na friendzoned na si Lianne.

Lianne, na-friendzone ni Raffy | Ep. 58

Kapuso, tingin mo ba dapat pang magkaroon ng chance si Lianne sa puso ni Raffy?

Ibahagi ang inyong opinyon sa comments section!

WATCH: Solenn Heussaff, may kakaibang twist daw ang karakter sa 'Love You Two'