TV

Raffy and Jake deal with their ex-lovers' issues | Ep. 65

By Jansen Ramos

Parehong naiipit sa sitwasyon sina Raffy at Jake dahil sa kanilang mga dating kasintahan.

Nagulantang ang mundo ni Raffy matapos bumalik ni Theo sa kanyang buhay.

Napilitan siyang sunduin ang kanyang ex-boyfriend sa lounge ng Liberty Hotel dahil sa kalasingan at dahil dito, hindi niya napigilang sumabog ang kanyang emosyon dahil sa kanilang nakaraan.

Samantala, naging mabuting kaibigan pa rin si Jake kay Lianne kahit na niloko siya nito noon.

Ngayon nari-realize ng dalaga ang kabutihan ng kanyang ex-boyfriend kung kailan may iba na itong gusto.

Ipinahiwatig din ni Lianne na gusto niyang makipagbalikan kay Jake ngunit tila imposible na ito mangyari.

Balikan ang mga eksenang 'yan sa July 22 episode ng Love You Two: