TV

Triple trouble | Ep. 97

By Jansen Ramos

Sa September 4 episode ng Love You Two, humantong sa mas malaking gulo ang away ng mga Batungbakal!

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay-sabay na nagbabalak magpakasal sina Raffy, Sam, at Harrison sa lalong madaling panahon.

Gusto ni Harrison na mauna sila ni Darling magpakasal dahil buntis ito at para hindi sila maghintay ng isang taon para maiwasan ang sukob.

Hindi naman ito sinang-ayunan ni Raffy dahil nagmamadali na rin silang magpakasal ni Jake para sa ikabubuti ng kalagayan ng ama ng huli na si Joaquin.

Dahil sa away nina Raffy at Harrison, napagdesisyunan ni Sam na sila na ni Edison ang mauunang magpapakasal para walang gulo.

Pumayag kaya sila sa hiling ng kanilang bunsong kapatid?

Balikan ang eksenang 'yan dito: