TV

Ara Mina, first time makatrabaho si Claudine Barretto sa 'Lovers & Liars'

By Aimee Anoc

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatrabaho ni Ara Mina sa isang serye si Claudine Barretto.

Simula noong December 26, napapanood na si Ara sa comeback series ni Claudine na Lovers & Liars.

Sa triple-plot drama series, gumaganap si Ara bilang Elizabeth, first wife ni Ramon, habang pinagbibidahan naman ni Claudine ang karakter ni Via, second wife ni Ramon at sa kanya inihabilin ng huli ang real estate company nitong Pacifica.

Sa interview sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong January 1, ibinahagi ni Ara ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Claudine sa isang serye.

"Yes, it's my first time to work with her, after so long," sabi ni Ara.

"Okay, parang akala mo matagal na kaming magkakilala. Hindi naman ako naiilang ka-work siya. But marami kaming matitinding eksena rito."

Noong Lunes, January 1, napanood sa Lovers & Liars ang unang paghaharap nina Ara at Claudine bilang Elizabeth at Via.

Talaga namang intense ang kanilang unang eksena dahil pinalitan nito si Via bilang CEO ng Pacifica.

"Because I'm the original wife so I'm coming to 'Lovers & Liars,'" pabirong sabi ni Ara sa interview kay Boy Abunda.

Patuloy na subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA Telebabad.

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: