TV

'Lovers & Liars' viewers, inabangan ang paghaharap nina Claudine Barretto at Ara Mina

By Aimee Anoc

Marami ang nag-abang sa unang paghaharap nina Claudine Barretto at Ara Mina bilang Via at Elizabeth sa Lovers & Liars.

Sa triple-plot drama series, bumibida si Claudine bilang Via, second wife ni Ramon Laurente at sa kanya inihabilin ng huli ang real estate company nitong Pacifica. Habang gumaganap naman si Ara bilang Elizabeth, ang nagbabalik na first wife ni Ramon.

Noong Martes (January 2) sa Lovers & Liars, talaga namang intense ang unang tapatan nina Via at Elizabeth sa Pacifica.

Kababalik lamang ni Claudine bilang CEO ng Pacifica matapos na pansamantalang makulong matapos na arestuhin sa salang murder kay Ramon. Nagtagumpay ito na muling makuha kay Trina (Sarah Edwards), anak ni Elizabeth, ang pamamahala sa Pacifica.

Pero isang hindi magandang sorpresa ang bumati kay Via sa pagbabalik ni Trina sa Pacifica dahil kasama na ng huli si Elizabeth. Sa pagkakataong ito, nagtagumpay si Elizabeth na palitan si Via sa pagiging CEO ng Pacifica dahil karamihan sa board members ay boto sa kanya.

Samantala, binalaan ni Via si Elizabeth bago ito umalis ng Pacifica. Ani Via, naagaw man ng huli sa kanya ang posisyon sa kumpanya pero hindi magbabago na siya ang huling minahal at pinakasalan ni Ramon at siya ang Mrs. Laurente.

Ano kaya ang sikretong nalalaman ni Via tungkol kay Elizabeth na sinabi sa kanya ni Ramon?

Panoorin ang full episode 26 ng Lovers & Liars sa video na ito:

Patuloy na subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 10:05 p.m sa GMA Prime.

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG 'LOVERS & LIARS' MULA SA MGA MANONOOD DITO: