TV

Polo Ravales shares behind-the-scenes photos with 'Lovers & Liars' co-stars

By Aimee Anoc

Sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahang serye na Lovers & Liars, ilang behind-the-scenes photos ang ibinahagi ni Polo Ravales mula sa set ng serye.

Noong Lunes (January 8), ipinakita ng aktor ang ilang mga larawan kasama ang co-stars na sina Michelle Vito, Rob Gomez, Christian Vazquez, at Sarah Edwards.

Maraming viewers ang patuloy na humahanga sa mahusay na pagganap ni Polo sa gay character ni Doc Ronnie, na mayroong relasyon kay Joseph (Rob Gomez).

Sa Lovers & Liars, sunod-sunod pa rin ang mga maiinit na eksena sa pagitan nina Doc Ronnie, Joseph, at Andrea (Michelle Vito).

Para maisalba ang buhay ng anak, pumayag na si Andrea sa kondisyon ni Doc Ronnie na matapos ang pagtulong niya sa operasyon ng anak ay mananatili na lamang si Joseph hanggang sa pagiging ama kay Kenneth.

Patuloy na subaybayan si Polo bilang Doc Ronnie sa huling tatlong gabi ng Lovers & Liars, 10:05 p.m. sa GMA Prime.

BASAHIN ANG MGA PAPURING NATATANGGAP NG LOVERS & LIARS MULA SA MGA MANONOOD DITO: