TV

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara's 'Love At First Read,' coming this June 12 on GMA

By Jimboy Napoles

Mapapanood na sa GMA Network sa darating na June 12 ang second installment ng Luv Is series na Love At First Read na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts o kilala rin bilang MavLine na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Ang Love At First Read ay ang first primetime series together as lead stars ng MavLine. Dito ay gaganap si Mavy bilang si Kudos Pereseo, isang kilabot na varsity pero hopeless romantic na searching para sa kaniyang right girl. Habang si Kyline naman ay gaganap bilang si Angelica Dimakapili, isang K-pop at K-drama fan pero hindi na naniniwala sa love dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig ng kaniyang ina. Pero ang magkaibang mundo nina Kudos at Angelica ay maglalapit dahil sa isang diary.

Sa panayam ng GMANetwork.com, proud na ibinahagi ng dalawa ang kakaibang atake na kanilang ginawa sa kanilang mga karakter sa nasabing series na malayo raw sa mga nagawa na nila noon.

Kuwento ni Mavy, “Kyline is a seasoned actress, nag-primetime na siya dati, heavy drama, and we know her as a solo actress pero 'yung drama between MavLine, that's something you should look forward to kasi kakaiba. Of course nandoon pa rin 'yung kilig moments, and how we play our characters, 'yun ang dapat abangan ng fans.”

Kaugnay ng sinabi ng aktor, naging challenge talaga para kay Kyline ang lumayo sa heavy drama na nakasanayan na niya.

“Well sa akin dahil sinabi nga po ni Mav na sanay ako sa mga dramas, dito ako na-challenge kung paano magiging light 'yung atake kasi drama pero not that heavy drama,” ani Kyline.

Makakasama naman ng MavLine sa nasabing series ang iba pang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Marco Masa, Pam Prinster, Mariel Pamintuan at Kapuso young heartthrobs na sina Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at TikTok stars na sina Gabby, at Kiel Gueco o mas kilala bilang Gueco Twins.

Mapapanood din sa serye ang seasoned actors na sina Jestoni Alarcon, Jackie Lou Blanco, at Maricar de Mesa.

Ang Luv Is series ay ang collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MASAYANG PICTORIAL NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: