
Bibisita ang lead cast ng bagong kilig series na Love At First Read sa ginaganap na Philippine Book Festival ngayong Sabado, June 3, simula 3:00 p.m. hanggang 4:00 p.m sa World Trade Center Manila in Pasay City.
Kasamang magbibigay saya sa nasabing event ang lead stars ng series na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Bukod sa MavLine, abangan din ang Sparkle stars na sina Therese Malvar, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Gabby at Kiel Gueco.
Ang Love At First Read ay ang second installment ng Luv Is series na TV adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo. Ito rin ay ang collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios.
Sa nasabing series, gaganap si Mavy bilang si Kudos Pereseo, isang kilabot na varsity player pero hopeless romantic na searching para sa kaniyang right girl. Habang si Kyline naman ay gaganap bilang si Angelica de Makapili, isang K-pop at K-drama fan pero hindi na naniniwala sa love dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig ng kaniyang ina. Pero ang magkaibang mundo nina Kudos at Angelica ay maglalapit dahil sa isang diary.
Abangan naman ang world premiere ng Love At First Read ngayong darating na June 12 sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MASAYANG PICTORIAL NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: