Get a behind-the-scenes look at 'Love At First Read' taping here

Kung naniniwala ka sa love at first sight, tiyak na maniniwala ka rin sa love at first read sa pagsisimula ng bagong kilig series ng GMA na Love at First Read na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.
Ang 'Love at First Read' ay ang second installment ng 'Luv Is' series na collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon Studios. Hango ito sa hit Wattpad novel na may parehong titulo na isinulat ng Filipino author na si Chixnita.
Dito ay gaganap si Mavy bilang si Kudos Pereseo, isang kilabot na varsity player pero hopeless romantic na searching para sa kaniyang right girl. Habang si Kyline naman ay gaganap bilang si Angelica Dimakapili, isang K-pop at K-drama fan pero hindi na naniniwala sa love dahil sa mapait na karanasan sa pag-ibig ng kaniyang ina. Pero ang magkaibang mundo nina Kudos at Angelica ay maglalapit dahil sa isang diary.
Narito ang behind-the-scene photos sa taping ng Love At First Read:















