
Hindi lang sa kanilang mga Gen Z fans pinaramdam ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang saya at kilig sa kanilang isinagawang fan meeting event kamakailan, kung 'di pati na rin sa kanilang fan na senior citizen na talagang lumapit sa stage upang makita ng malapitan ang dalawa.
Nitong Linggo, kasabay ng selebrasyon ng Father's Day, dalawang fan meeting event ang isinagawa ng Love At First Read stars na pinangungunahan nina Mavy at Kyline, kasama sina Josh Ford, Mariel Pamintuan, at ang Gueco Twins na sina Vito at Kiel Gueco sa isang mall sa Malabon, at Quezon City.
Sa nasabing event, dinumog ng fans ang nasabing celebrities lalo na ang tambalang MavLine. Isa na nga sa mga fan na dumalo ay ang isang senior citizen na lola nakasakay na sa isang wheelchair pero pinilit na makapuwesto sa unahan upang masilayan ng malapitan sina Mavy at Kyline.
Habang nagpe-perform si Kyline, napansin niya ang pagkaway sa kaniya ng kasama ng nasabing lola, dahil dito agad na bumaba ng stage ang aktres upang lapitan ito. Agad na nagmano si Kyline sa matanda at inawitan.
Nang si Mavy naman ang mag-perform, agad din niyang napansin ang matanda at nagbigay-galang dito sa pamamagitan ng pagmamano.
Ang magandang gestures na ito ng MavLine, nakuhanan din ng kanilang fan at ini-upload sa kanilang fan pages.
Kuwento ng nakakita sa pagbibigay-galang ng dalawa sa matanda, nang matapos umano ang event, agad na tinawag ni Kyline ang kaniyang co-stars upang pagbigyan ng isang ng isang group photo kasama ang nasabing senior citizen fan.
“Ay yes po. Pinaturo ko po si lola po kasi inaabot niya po na pilit si Kyline kaso 'di siya nakikita po kasi naka-wheelchair po siya. Tapos 'yung after ng lahat ng performance po pinalapit po ni Kyline buong cast sa kaniya para mag-bless and pa-picture kay lola po,” saad ng isang netizen.
Samantala, subaybayan naman ang Love At First Read, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. bago ang 24 Oras sa GMA.
SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES SA TAPING NG LOVE AT FIRST READ SA GALLERY NA ITO: