advertisement
TV

LOOK: Behind the scenes of 'Luv is: Caught in His Arms'

1 of 27

Luv is: Caught in his Arms 

Buong pusong ipinagmamalaki ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios ang isa na naman sa sure hit series sa primetime television --- ang 'Luv is: Caught in His Arms.'

2 of 27

Sofia Pablo 

Bago man sa kanyang ibang mga dating ginampanang role, game na game na tinanggap ng Kapuso teen actress na si Sofia Pablo ang karakter bilang si Florence Almero sa serye.

3 of 27

Challenging 

Aminado si Sofia na isa ito sa mga masasabi niyang challenging role na ibinigay sa kanya.

advertisement
4 of 27

Allen Ansay 

Masusubukan naman ang husay sa pag-arte ng Kapuso young heartthrob na si Allen Ansay sa kanyang karakter bilang si Nero Sebastian Ferell.

5 of 27

Bad boy

Timeout muna sa pagiging good boy si Allen dahil ngayon ay mapapanood naman siya bilang seryoso at matinik na campus heartthrob.

6 of 27

Michael Sager

Makikilala na rin ang isa sa bagong mukha ng GMA --- ang Sparkada member na si Michael Sager sa kanyang first-ever Kapuso series.

advertisement
7 of 27

Sean Owen Ferell

Gaganap si Michael bilang si Sean Owen Ferell ang isa sa mga pinsan ni Nero na magiging kaibigan ni Florence.

8 of 27

Vince Maristela

Kaabang-abang din ang karakter ni Sparkada hunk Vince Maristela bilang si Tristan Ferell na isa rin sa mga pinsan ni Nero.

9 of 27

Tristan Ferell

Ano kaya ang magiging papel ni Tristan sa buhay ni Florence?

advertisement
10 of 27

Raheel Bhyria 

Matapos ang kanyang mga acting stints sa ibang GMA shows, mapapanood naman ngayon ang Sparkada Member na si Raheel Bhyria bilang si Aldus Raphael Ferell sa 'Luv is: Caught in His Arms.'

11 of 27

Aldus Raphael Ferell

Magiging mabait ba si Aldus? O isa rin siya sa mga magbibigay ng sakit sa ulo kay Florence?

12 of 27

Sean Lucas 

Excited na rin sa kanyang first-ever Kapuso series ang Sparkada member na si Sean Lucas. Gaganap si Sean bilang si Troy Alvis Ferell, ang isa pa sa mga pinsan ni Nero.

advertisement
13 of 27

Gio Alvarez at Denise Joaquin 

Mapapanood din sa 'Luv is: Caught in His Arms' sina Gio Alvarez at Denise Joaquin bilang mga magulang ni Florence na bibigyang buhay ni Sofia Pablo.

14 of 27

Loving Family 

Isang loving family ang ibibigay nina Gio at Denise sa buhay ng karakter ni Sofia na si Florence.

15 of 27

Kusinera 

Matitikman na ng maraming Kapuso viewers ang nilulutong serye ng certified kusinera na si Florence na ginagampanan ni Sofia Pablo.

advertisement
16 of 27

Briefing 

Mabusisi ang ginagawang briefing ng produksyon sa bawat eksena ng 'Luv is: Caught in His Arms.'

17 of 27

Florence and Nero 

Kinikilig na ba ang lahat sa simula ng love story nina Florence at Nero?

18 of 27

Lady in red

Isa sa mga tumatak na eksena sa pilot week ng 'Luv is: Caught in His Arms' ay ang panaginip ni Florence kung saan nakasuot siya ng red dress nang makita niya ang Ferell brothers.

advertisement
19 of 27

Preview

Sa larawan na ito makikita ang on-the-spot preview nina Sofia at Allen sa kanilang ginawang eksena.

20 of 27

Laban, Florence!

Bumilib din ba kayo sa fighting spirit ni Florence kahit pa pinahirapan siya ng Ferell brothers sa kanyang first day bilang cook?

21 of 27

Troy, Aldus Tristan

Enjoy na enjoy sina Troy, Tristan, at Aldus sa pagpapahirap kay Florence. Pero maging mabait din kaya sila sa dalaga?

advertisement
22 of 27

Flex

Tamang flex lang ng biceps si Tristan habang naghahanap ng Guimaras mangoes.

23 of 27

Troy and Aldus

Tandem naman sa pang-aasar kay Nero sina Troy at Aldus.

24 of 27

Five versus one

Sa kabila ng kakaibang trip ng Ferell brothers, hindi pa rin sumuko si Florence na mahuli ang loob ng lima.

advertisement
25 of 27

Meeting with Lolo Garp

To the rescue rin si Lolo Garp para kausapin ang kanyang mga apo sa ginawa nilang pagpapahirap sa kanilang cook na si Florence.

26 of 27

Kalapati with luv

Si Nero nga kaya ang nagpapadala ng love messages kay Florence gamit ang mga kalapati?

27 of 27

What's next?

Maging bukas na rin kaya si Nero sa tunay niyang nararamdaman para kay Florence?

advertisement