IN PHOTOS: At the media conference of 'Luv is: Caught in His Arms'

Mapapanood na simula sa January 16 ang isa sa pinakamalaking primetime offerings ng GMA ngayong 2023 - ito ay ang kilig series na Luv is: Caught in His Arms.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng tinaguriang this generation's love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Kasama nila na magpapakilig sa serye ay ang ilan sa Sparkada boys at next generation leading men na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria at Sean Lucas.
Ipakikilala rin sa serye ang ilan sa Sparkada girls na magbibigay ng kakaibang timpla sa kuwento, ito ay sina Cheska Fausto, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.
Silipin ang mga naging kaganapan sa media conference ng Luv is: Caught in His Arms kahapon, Miyerkules, January 11, sa gallery na ito:

















