Love At First Read: Kudos Pereseo meets Angelica De Makapili

Sa pilot week ng bagong kilig series ng GMA na Love At First Read, ipinakilala na ang mga karakter nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara bilang sina Kudos Pereseo at Angelica De Makapili.
Si Kudos na varsity heartthrob pero pihikan sa girls dahil hinahanap niya ang kaniyang the right one habang si Angelica naman ay isang certified NBSB o No Boyfriend Since Birth dahil naging man hater na siya simula nang iwan sila ng kaniyang tatay at makitang nalulugmok ang kaniyang ina dahil sa lalaki.
Hindi man masaya ang kanilang unang pagkikita, ang mga mundo nina Kudos at Angelica, unti-unting paliliitin ng isang diary.
Balikan ang ilan sa mga naging eksena sa pilot week ng Love At First Read sa gallery na ito:









