GMA Logo AlFia, Sparkada
What's on TV

Sofia Pablo, Allen Ansay at ilang Sparkada, masayang nag-bonding sa isang slime house sa Pasay

By Jimboy Napoles
Published September 16, 2022 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

AlFia, Sparkada


Tuloy-tuloy ang bonding ng nabuong samahan ng cast ng 'Luv Is: Caught In His Arms' na magkakasama pang bumisita kamakailan sa isang slime house sa Pasay.

Malagkit ang naging bonding ng ilan sa cast ng upcoming kilig series na Luv Is: Caught In His Arms na sina Allen Ansay, Sofia Pablo, at ilan sa Sparkada members na sina Vince Maristela, Sean Lucas, Raheel Bhyria, at Tanya Ramos sa bagong bukas na slime carnival sa isang mall sa Pasay kamakailan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang ilan mga larawan ng kanilang masayang bonding sa nasabing slime house.

"We came in like a wrecking baaaallll literally [laughing emoji] Had the best time at @gootopiaph last week! Swipe until the last photo to get a peak at our scorecards," caption ng aktres sa kanyang post.

Extended naman ang kulitan ng magkakaibigan sa comment section ng post ni Sofia.

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)

"Kunwari hindi mo pinabura score ko," ani Allen.

"The best yung naglaba ako pag-uwi kasi puno ako ng slime," hirit naman ni Sean.

"'Yung favorite part ko 'yung kumain ako ng cinabon 'yun talaga 'yun," dagdag naman ni Vince.

Samantala, abangan ang cast ng Luv Is: Caught In His Arms sa Manila International Book Fair ngayong Linggo, September 18, sa SMX Convention Center.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: