GMA Logo Luv is Caught in His Arms
What's on TV

'Luv is: Caught in His Arms,' may almost 60M views na sa TikTok

By Jimboy Napoles
Published January 24, 2023 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is Caught in His Arms


Ang kilig sa 'Luv is: Caught in His Arms,' extended na rin online!

Bukod sa success ng TV ratings sa pilot week, panalo rin sa online views ang bagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.

Sa short-video streaming app na TikTok, umabot na sa halos 60 million views ang #LuvIsCaughtInHisArms tampok ang episodes, trending scenes, at online challenge videos ng programa.

Sa katunayan, mayroon na ring halos 2 million views ang video ng isang eksena sa pilot episode ng naturang series kung saan unang ipinakilala ang Ferell brothers na ginagampanan nina Allen Ansay, Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

@gmanetwork Ay, parang hindi lang ata cute ang mga Ferell brothers! 😳😍❤️ #LuvIsCaughtInHisArms #fyp #SofiaPablo #MichaelSager #VinceMaristela #SeanLucas #RaheelBhyria ♬ original sound - .

Tumabo rin ng magkakasunod na matataas na ratings ang bagong kilig series sa unang tatlong gabi pa lamang nito sa GMA Telebabad noong nakaraang linggo.

Ang Luv is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.

Ito ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel na Caught in His Arms na first-ever primetime series din ng tinaguriang next generation leading lady at leading man na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kiligin sa kuwento ng Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: