TV

Luv is: Caught in His Arms: First day of school | Week 3

By Jimboy Napoles

Sa ikatlong linggo ng Luv is: Caught in His Arms, nagsimula nang pumasok sa Gyronella University si Florence at ang mga Ferell.

Bago ang kanyang first day of school, pinasyal muna nina Frederico at Lydia si Florence sa bayan upang ipamili ito ng damit at mga gamit sa eskuwela. Tuwang-tuwa naman ang tatlo dahil bihira lamang silang mag-bonding na pamilya.

Sa kabilang banda, muling nagkita sina Rogelio at Lolo Garp dahil hinahanap ng una ang nawawala niyang apo na kamukhang-kamukha ni Florence.

Kinabukasan, simula na ng klase sa Gyronella University. Nakatanggap naman si Florence ng good luck message na hinatid ulit ng isang kalapati.

Sa pagpasok ni Florence sa kanyang dream university, hindi lamang pala kaibigan kung 'di mga kaaway din pala ang makukuha niya rito at ito ang mean girls na sina Aira at Camille.

Naging target si Florence ng pambu-bully nang ipagtanggol niya si Lina sa mean girls. Pero imbes na magpasalamat, sinabi ni Lina na tiyak na pag-iinitan lamang si Florence dahil sa ginawang pagtulong nito sa kanya.

Nag-alala naman si Owen sa magiging sitwasyon ni Florence sa university ngayong mainit na ang dugo sa kanya ng mga bully.

Bilang next victim ng mean girls, na-trap si Florence sa isang madilim na kuwarto na plinano at kagagawan nina Aira at Camille. Buti na lamang ay nahanap at nailigtas agad ni Nero si Florence.

Pinayuhan naman ni Nero si Florence na 'wag mahiyang humingi ng tulong sa tuwing nalalagay siya sa alanganin pero nanindigan ang huli na hindi niya kailangan ng tulong ng mga Ferell.

Sa hindi naman inaasahang pagkakataon, nakita ni Florence na nag-uusap sina Antonia at Nero tungkol sa kanilang relasyon kung kaya't deep inside ay ikinalungkot niya ito.

Kinagabihan, hindi nakapagpigil si Florence na sabihin kay Nero ang totoo niyang nararamdaman. Sinabi naman ni Nero na hindi mahirap magustuhan si Florence pero hindi ito ang tipo niyang babae. Pagbalik sa kanilang mga kuwarto ay nakangiti pa rin ang dalawa habang inaalala ang kanilang pag-uusap.

Sa sumunod na araw, pinag-usapan nina Owen at Ashley ang Agora Day. Ito ay ang araw kung saan mamimili ang mga estudyante ng kanilang magiging bagong Communication Arts Department Head. Kumpiyansa si Camille na makukuha niya ang puwesto pero laking gulat niya nang i-challenge ni Florence ang kanyang sarili na kalabanin si Camille.

Dahil dito, muling nag-isip sina Camille at Aira kung paano sisiraan at pahihirapan si Florence.

Balikan ang kilig episodes sa Luv is: Caught in His Arms sa mga video sa ibaba:

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 11 (January 30, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 12 (January 31, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 13 (February 1, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 15 (February 3, 2023)