
Marami ang nasorpresa, napaiyak, at napabilib sa emosyonal na eksena nina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang sina Florence at Nero sa kanilang first-ever primetime series na Luv is: Caught in His Arms.
Ang nasabing eksena ay mula sa episode ng serye nitong Lunes, February 20, kung saan naganap na ang inaabangang ball ng Gyronella University. Isa sa kanilang activity ay ang auction ng mga importanteng bagay sa GU students. Ang kikitain ng bidding ay mapupunta sa charity works ng paaralan.
Isa sa naging bidding ay para sa feeding program na gagawin ni Florence, ang karakter na ginagampanan ni Sofia. Marami ang nagulat nang mag-bid ng one million pesos si Nero ang karakter naman ni Allen sa serye. Ang dahilan ng kanyang bid ay upang makasama si Florence.
Ngunit imbes na matuwa, tila nainsulto si Florence sa ginawa ni Nero kung kaya't umiiyak ito na tumakbo palabas ng venue. Hinabol naman siya ni Nero at dito na sumabog si Florence at tuluyang kinompronta si Nero sa nararamdaman niya para dito.
Ayon sa fans at sa mga nakapanood ng eksena, hindi nila inasahan ang ipinakitang acting skills ng dalawa dito kung saan lumabas ang kanilang galing sa drama.
Ayon sa isang fan, “Nanglalamon sa actingan ang Team Jolly sa scene na 'to! Grabe pakahusay!”
“Ang husay ni Sofia at Allen sa eksenang 'to #LuvIsWinningBid,” dagdag pa ng isang fan.
Tweet naman ng isang netizen, “Favorite scene ko for this #LuvIsWinningBid 'yung pag bid ni Nero ng 1M. Ang guwapo ni Nero doon, kitang kita na siya talaga ang main lead, bakod kung bakod at siyempre 'yung galit at sakit na nararamdaman ni Florence 'yun talaga ang nagdala sa episode ang galing ng dalawa.”
Bumilib din ang isang Kapuso viewer sa takbo ng serye at inihambing pa ang ganda at galing ni Sofia sa Kapuso actresses na sina Heart Evangelista at Jennylyn Mercado.
“This show is like the best teen series GMA ever produced since Tween Hearts and yet the Twitter world is sleeping on it. The main characters, visuals, cinematography, and of course Sofia Pablo, she's Jennylyn and Heart mixed into one!,” saad nito.
Balikan ang episode na ito ng Luv is: Caught in His Arms sa video sa ibaba.
Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: