GMA Logo luv is caught in his arms
What's on TV

Luv Is: Caught in His Arms: Gyronella University Ball | Week 5

By Jimboy Napoles
Published February 22, 2023 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

luv is caught in his arms


Balikan ang exciting episodes sa ikalimang linggo ng 'Luv is: Caught in His Arms' dito:

Sa ikalimang linggo ng Luv is: Caught in His Arms, nagsimula na ang pag-ungkat sa tunay na pagkatao ni Florence.

Tinawagan ni Don Rogelio si Lorenzo upang sabihin na buhay ang nawawala nitong anak na si Celestina dahil nakita niya na ito. Upang mas makumbinsi ang anak, ipinakita ni Don Rogelio kay Lorenzo ang computer-generated future face ni Celestina at ito ay kamukhang-kamukha ni Florence.

Sa halip na matuwa, nagalit naman si Lorenzo kay Don Rogelio dahil matagal niya nang tinanggap na patay na ang kanyang anak at asawa niya na si Alyanna.

Sa kabilang banda, nadurog naman ang puso ni Florence nang hindi siya piliin ni Nero upang maging date sa Gyronella University Ball. Dahil dito, nagalit ang mga Ferell kay Nero dahil sa ginawa nito kay Florence. Napansin din ni Lolo Garp na tila nag-iba na ang lasa ng niluluto ni Florence dahil sa pinagdaraanan nito.

Sinabi naman ni Troy sa kanyang Lolo Garp at sa Ferell households na ginagamit lamang ni Nero si Florence upang pagselosin si Antonia. Lingid sa kanilang kaalaman, si Antonia ang nag-blackmail kay Nero upang balikan siya nito. Tinakot ni Antonia si Nero na kung hindi ito makikipagbalikan sa kanya ay sisiraan niya si Florence upang matanggal ang scholarship nito.

Samantala, gumawa naman ng paraan sina Camille, Aira, at Lina upang magkaroon ng makeover si Florence para sa GU ball. Matapos ito, sinorpresa naman ni Owen si Florence upang yayain siya na maging date nito sa nasabing ball, nasaktan naman si Owen nang makita niya ito.

Sa ginanap na Gyronella University, namangha ang lahat sa ganda ni Florence suot ang white ball gown. Kasama ni Florence na dumating sa ball si Owen at nang makita ito ni Antonia ay mabilis nitong hinusgahan ang una.

Sinamantala naman ni Don Rogelio ang pagkakataon na makasayaw si Florence, nagtaka naman si Lolo Garp sa ginagawang aksyon ng una sa dalaga.

Bukod dito, nag-usap na sina Antonia at Nero upang tapusin na ang relasyon nila at tuluyan nang pinaubaya ni Antonia si Nero kay Florence.

Balikan ang kilig episodes sa Luv Is: Caught in His Arms sa mga video sa ibaba:

Luv Is: Full Episode 22 (February 14, 2023) | Caught In His Arms

Luv Is: Full Episode 24 (February 16, 2023) | Caught In His Arms

Luv Is: Full Episode 25 (February 17, 2023) | Caught In His Arms