Ipinakilala na ngayong Biyernes, July 5, ang cast ng upcoming afternoon drama series na 'Madrasta.'
Related:
Arra San Agustin at Juancho Triviño, bibida sa 'Madrasta'
Dumalo sa isang story conference ang cast ng 'Madrasta' na sina (from left) Juancho Trivino, Gladys Reyes, Kelvin Miranda, Manilyn Reynes, Arra San Agustin, Thea Tolentino, Almira Muhlach, at Phytos Ramirez.
Ani Juancho sa isang panayam, kapag wala siyang ginagawa ay ibinubuhos niya ang kanyang oras sa workshops para paghandaan ang kanyang role sa drama series.
Nagpapasalamat naman si Arra dahil si Juancho ang kanyang katambal. Ayon sa aktres, matagal na silang magkakilala.
Ang susunod na primera kontrabida na si Thea, kakaibang atake raw ang gagawin sa kanyang role.
Biro ni Juancho sa kanyang Instagram Story, tila part two ng 'Inday Will Always Love You' ang 'Madrasta' dahil muli niyang makakasama si Gladys Reyes.
Matapos din mapanood sa rom-com series, magpapaiyak naman si Manilyn Reynes sa upcoming series.
Matapos ang 12 taon, muling mapapanood sa Kapuso Nertwork ang aktres na si Almira Muhlach.
Abangan ang 'Madrasta' soon on GMA.