Kilalanin ang mamahalin at kaiinisan n'yong mga tauhan sa pagsimula ng 'Madrasta' ngayong Lunes, October 7.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, puso ang paghuhugutan niya ng lakas. Magampanan kaya niya ang papel ng pangalawang asawa at ina?
Iiwan ang asawang si Sean at ang mga anak para sa lalaking tunay niyang minamahal. Ngunit dahil sa kasakiman, babalik siya para agawin kay Audrey ang trono ng pagiging ina at asawa.
Labis ang pagmamahal sa pamilya kaya guguho ang mundo niya matapos pagtaksilan ng asawang si Katharine. Tutulungan siyang makabangon ni Audrey, ang babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso.
Ang kalog at mapagmahal na ina ni Audrey. Tutol man siya sa relasyon ng anak kay Sean, ipaglalaban niya ang karapatan ni Audrey sa pang-aapi nina Katharine at nanay niyang si Shirley.
Ang butihing ina ni Sean na kilala rin bilang isang prominenteng aesthetic surgeon. Magiging malapit ang loob kay Katharine sa pag-aakalang mabuting asawa at ina ang kanyang manugang.
Ang ambisyosang ina ni Katharine na gagawin ang lahat para makaahon sa kahirapan. Kaya nang magkapera sa tulong ni Sean, babalutan niya ang kanyang katawan ng mga gintong alahas.
Ang makulit at matalik na kaibigan ni Sean na magiging katuwang niya sa pagpapatakbo ng negosyo. May lihim na inggit sa kaibigan dahil sa pagiging successful nito.
Ang lalaking kinahuhumalingan ni Katharine. Magiging partner-in-crime din siya nito sa lahat ng masasamang plano laban kay Sean.
Ang boyfriend ni Audrey na manloloko at pagtataksilan siya.
Isa sa mga close friends ni Audrey na may lihim na inggit sa kanya. Ang matinding selos na nararamdaman ang magtutulak sa kanya para agawin ang boyfriend ng kaibigan.
Ang nakababatang kapatid ni Audrey na mahilig sa mobile games at apps.
Ang kalog at tapat na best friend ni Audrey. Mahilig siyang magbigay ng quotable quotes na advice sa kaibigan.
Ang masayahin at laging maaasahang kaibigang nurse ni Audrey.