TV

READ: Arra San Agustin, babaguhin ang imahe ng isang madrasta sa pagbibidahang drama

By Cherry Sun

Isang malaking hamon ang haharapin ni Arra San Agustin sa pagganap sa title role na Madrasta.

Arra San Agustin

Maliban sa malaking proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng GMA Network, nais din daw nilang baguhin ang imahe ng pagiging stepmom.

Aminadong natsa-challenge si Arra sa bagong character na kanyang bibigyang-buhay.

IN PHOTOS: Meet the cast of upcoming drama series Madrasta

Paliwanang ng Kapuso actress, “Dito mas mature na 'yung role, so it's a huge challenge for me.

“This time kasi, my character is mostly accountable, no, completely accountable and responsible for the children.”

Magkahalong saya at kaba rin daw ang kanyang nararamdaman ngayong naghahanda na sila para sa Madrasta.

LOOK: Madrasta stars, sumabak sa look test at workshops

Kuwento ni Arra, “Sobra [excited] pero also, I'm also very nervous and scared kasi, siyempre, it's huge.

"I'm [portraying] the working title and lahat nakadepende sa amin 'to.

“Pero very grateful. Like, iniisip ko na, siyempre, may pressure naman sa bawat trabaho. I think that's very important na nape-pressure or kinakabahan kasi at least may care and that's where I draw out my motivation.

"That's okay too but mostly I'm super grateful and I'm super blessed,” dugtong niya.

Layon ng bagong aabangang Kapuso drama na ibahin ang negatibong imahe ng mga madrasta. Ito rin daw ang isa sa mga challenge na haharapin ni Ara.

Wika niya, “Dito po kasi, 'yung role ko po as madrasta, parang makikita natin 'yung good side ng mga stepmom, na hindi naman lahat ng stepmoms stereotypical na parang sa Cinderella, na evil kaagad, na walang pakialam sa mga bata.

"So this time, 'yung character ko may pakialam siya at mahal niya 'yung mga bata."

Patuloy din niyang paglarawan sa kanyang character, “Mabait na may pride, na may laban. I think in the modern world, lumalaban na talaga 'yung mga tao ngayon.

"That's true, [we're] empowering women.”