TV

EXCLUSIVE: 'Madrasta,' unang Kapuso project ni Anjo Damiles

By Cherry Sun

Sasabak na agad sa kanyang unang proyekto bilang Kapuso si Anjo Damiles. Ang bagong Kapuso actor kasi ay kabilang sa inaabangang drama na Madrasta.

READ: Anjo Damiles, excited to start his new journey as an official Kapuso

Pumirma si Anjo bilang GMA Artist Center talent nitong July 15. Wala pa mang isang linggo, magsisimula na agad siya sa taping kasama ang mga bagong bida sa GMA Afternoon Prime na sina Arra San Agustin, Juancho Trivino, at Thea Tolentino.

Aniya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Sobrang blessed and happy po kasi ilang araw pa lang ako rito sa GMA nabigyan po agad ako ng proyekto and siyempre thankful na din po.

IN PHOTOS: Things you need to know about new Kapuso actor Anjo Damiles

“Gagawin ko po lahat ng best ko para hindi ko mabigo ang mga expectations ng mga viewers and supporters at sa lahat ng ibato sa 'kin na eksena, gagalingan ko talaga,” patuloy rin niya.