TV

EXCLUSIVE: Kelvin Miranda, pressured maka-eksena ang mga beterano sa 'Madrasta?'

By Cherry Sun

Unang teleserye pa lamang ni Kelvin Miranda ang Madrasta at ilang beteranong artista na agad ang mga makakasama niya. Nakakaramdam kaya ng pressure ang batang aktor?

Kelvin Miranda

LOOK: Madrasta teaser, may mahigit 1 million views na!

Sa exclusive interview ni Kelvin sa GMANetwork.com, ipinahayag niya ang kanyang excitement sa pagganap bilang si Barry, ang kapatid ng character ni Arra San Agustin na si Audrey.

Aniya, “Nakakatuwa kasi nakatrabaho ko na 'yung mga veteran actor and actress. 'tapos makakasama ko pa 'yung mga bagong leading man and leading lady ng GMA.

"So parang sobrang nakakataba ng puso na part ako ng Madrasta. Matagal ko na rin na inaabangan na magkaroon ako ng serye. Eto dumating siya, masaya, thankful kasi nakakuha na ako ng another blessing from GMA.

“Nakaka-pressure pero parang kasama na rin doon 'yung tine-treasure ko 'yung pressure na 'yun kasi 'yung pressure na 'yun 'yung magtuturo sa akin ng bagong experience and knowledge about sa ginagawa ko,” patuloy ni Kelvin.

Madalas ka-eksena ni Kelvin si Manilyn Reynes na gaganap bilang kanyang ina. Tumatak na raw ang beteranang aktres sa kanya na mistulang nanay talaga sa kanilang set.

Kuwento niya, “Hindi siya magkukulang ng paalala sa 'yo. Inaalagan niya talaga kami doon, lalo na ako kapag ka magkasama kami.

“Nagse-share siya sa akin. Pinagkakatiwalaan niya ako as a son, hindi as other persons, other people,” dugtong din niya tungkol sa pagiging open ni Manilyn.

Hindi rin daw makakalimutan ni Kelvin ang madalas na paalala sa kanya ng nakakatanda niyang co-star.

“Sinabi niya lang sa akin is kailangan ko lang talagang magsipag, magtiyaga at lagi mag-pray. 'Wag ako magpadala sa mga naririnig ko. Basta magtiwala sa sarili,” bahagi niya.