TV

Katharine frames up Audrey | Ep. 66

By Cherry Sun

Nitong Lunes, January 6, nakalaya na mula sa pysch ward si Audrey (Arra San Agustin) ngunit mape-frame up siya sa isang krimeng ginawa ni Katharine (Thea Tolentino) kay Dra. Elizabeth (Gladys Reyes).

Susugod si Audrey sa mansyon upang komprontahin si Katharine sa ginawang pagpapadukot sa kanya. Hindi magiging kaaya-aya ang pagbalik niya rito dahil ipe-frame up siya ni Katharine na tumulak kay Dra. Elizabeth pababa ng hagdan.

Ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo ni Sean (Juancho Trivino)?

Panoorin:

Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!