TV

LOOK: 'Madrasta,' patuloy na namamayagpag sa TV ratings

By Cherry Sun

Namamayagpag sa TV ratings ang Madrasta, isang patunay na nangunguna ang programa sa ating mga puso, Kapuso!

Tuloy-tuloy ang panalo ng Madrasta sa telebisyon.

Bago matapos ang taong 2019, tumaas nang tumaas ang TV ratings ng Kapuso drama.

LOOK: Madrasta, panalo sa ratings sa linggo ng Kapaskuhan!

Patuloy pa ang panalo nito at lalong lumalaki ang lamang sa katapat na programa ayon sa Nielsen Phils. TAM.

Dumarami pa ang lalong sumusubaybay sa programa dahil sa nakakapanabik nitong kuwento.

Matatahimik na ba ang buhay-mag-asawa nina Audrey at Sean ngayong nakakulong na si Katharine, o nanganganib pa rin ang papel ng ating bida bilang isang mapagmahal na madrasta?

Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!