TV

Katapusan ng panlilinlang ni Katharine | Ep. 84

By Cherry Sun

Nitong Huwebes, January 30, pinalitan ni Sean (Juancho Trivino) ang OB-GYN doctor ni Katharine (Thea Tolentino) upang ipakitang naniniwala siya sa rebelasyon ni Audrey (Arra San Agustin).

Naisumbong na ni Audrey kay Sean ang ginagawang panlilinlang nina Katharine at Shirley (Almira Muhlach).

Upang makabawi si Sean sa kanyang asawa, nagdesisyon siyang palitan si Dr. Marquez (Ervic Vijandre) at kumuha ng kakilala niyang doktor na magche-check kay Katharine.

Tuluyan na nga ba nilang mabubuko ang panloloko ng huli?

Panoorin:

Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!