TV

EXCLUSIVE: Juancho Trivino, kaya ba ang pinagdadaanan ng kanyang 'Madrasta' character?

By Cherry Sun

Masalimuot ang pinagdadaanan ngayon ng karakter ni Juancho Trivino na si Dr. Sean Ledesma sa Madrasta. Kung ang Kapuso actor kaya ang malagay sa posisyon nito sa totoong buhay, ano ang gagawin niya?

Juancho Trivino

Sa dami ng problemang pinagdaanan ng pamilyang Ledesma sa kuwento ng Madrasta, muling nahamon si Sean dahil sa nangyari kay Audrey (Arra San Agustin). Ang kanya kasing asawa, pinagsamantalahan ng kanyang dating nobyong si George (Anjo Damiles) at ngayo'y nagdadalawang tao.

Kung si Juancho ang nahaharap sa ganitong sitwasyon, handa kaya siyang akuin ang responsibilidad at magpakaama sa isang anak na maaaring hindi naman sa kanya?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, hindi nag-atubiling sumagot ang Kapuso actor.

Aniya, “Yes. It really depends on the woman who is the mother of the child. If true love naman, wala namang if's or but's eh. You just have to accept everything that she has.”

Ang kanyang pahayag ay sinang-ayunan naman ng kanyang co-stars na sina Phytos Ramirez at Chef Anton Amoncio.

WATCH: Madrasta stars go live on FB, take us behind the scenes to thank fans for high ratings

Wika ni Phytos, “Sabi nga nila kapag ka mahal mo siya, kasama na 'yun sa lahat. Parang package deal na 'yun. Part na 'yun, you should love also 'yung anak nung taong mahal mo.”

Sambit naman ni Anton, “Yes, I am (willing) because for me, fatherhood is a privilege so I'm willing to keep the child, raise him or her, and hopefully be the best father in the world for that kid.”