TV

'Madrasta' stars, live sa 'Kapuso ArtisTambayan' ngayong February 20!

By Cherry Sun

Makakasama niyo ang Madrasta stars na sina Arra San Agustin, Thea Tolentino, Phytos Ramirez, Anjo Damiles at Divine sa pagbisita nila sa 'Kapuso ArtisTambayan' ngayong Huwebes, February 20!

READ: Full episodes ng Madrasta, pwede nang mapanood online!

Live sa Facebook page ng GMA Network ang kuwentuhan at kulitan kasama ang Madrasta stars bilang kanilang pasasalamat sa kanilang hit Kapuso afternoon drama.

Tutok na sa Kapuso ArtisTambayan simula 5 PM at magpadala ng inyong mga komento at mensahe. Huwag din kalimutang gamitin ang #MadrastaOnKAT.

Magtatapos na ang Madrasta ngayong Biyernes, February 21.