
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.
Sa nakaraang episode ng soap opera, nakonsensya na si Jared (Rob Gomez) sa mga panlolokong ginagawa nila kay Gigi (Herlene Budol).
Hindi makakawala si Jared dito dahil sa pambubuyo ng lider ng Elite Squad at dating nobya niyang si Blaire (Maxine Medina).
Matapos mag-invest ng malaking halaga, pipilitin muli nila si Gigi na mag-invest para sa bagong branch ng Capsule X.
Hindi alam ni Gigi, palugi at baon na sa utang ang negosyo, bagay na binalaanan na siya ni Atty. Eric (Benjamin Alves) tungkol dito pero nanatili pa rin siyang bulag-bulagan.
Maging ang ina niyang si Luisa (Sandy Andolong) ay pinagsabihan na siya tungkol sa tunay na motibo ng Elite Squad pero kinontra niya pa rin ito.
Ano na ang mangyayari sa mga ipinamana kay Gigi ng kanyang ama ngayong sinesante niya mismo ang abogado niyang concerned sa kanya?
Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online landforms.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: