TV

Herlene Budol at Adrian Alandy, magtatapat sa 'Magandang Dilag' finale

By Jansen Ramos

Ngayong Biyernes, November 10, nakatakda nang ipalabas ang huling episode ng top-rating GMA revenge-drama series na Magandang Dilag na launching series ng actress, beauty queen, at vlogger na si Herlene Budol.

Sa loob ng 20 linggo, napanood ang transformation ng karakter ni Herlene na si Gigi para maghiganti sa Elite Squad, ang grupong nang-api at nang-scam sa kanya.

Sa pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series, magtatapat si Gigi at ang mortal niyang kaaway na si Magnus, ginagampanan ni Adrian Alandy.

IIsa-isahin ni Magnus ang mga malalapit kay Gigi para gantihan ito nang isiwalat nito ang mga maling ginagawa ng alkalde.

Eeksena si Magnus sa fashion show ng Bellatrix, na pagmamay-ari ni Gigi, at magpapaputok ng baril.

Madadamay naman ang mga malalapit kay Gigi tulad ng kanyang inang si Luisa, ginagampanan ni Sandy Andolong. Gayundin ang asawa ng yumaong ama ni Gigi na si Sofia, ginagampanan ni Chanda Romero, na tumulong sa kanya para maghiganti sa Elite Squad.

Samantala, malalaman din sa huli kung sino ang pipiliin ni Gigi kina Jared (Rob Gomez) at Eric (Benjamin Alves).

Mapapanood ang huling episode ng Magandang Dilag ngayong Biyernes, November 10, 3:20 p.m. sa GMA at Pinoy Hits. Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

BALIKAN ANG MGA INTENSE NA EKSENA SA MAGANDANG DILAG.