TV

David Licauco, sinorpresa ang fan na may cancer sa birthday nito

By Jansen Ramos

Sinorpresa ni Pambansang Ginoo David Licauco ang isa niyang tagahangang may karamdaman para mapasaya niya ang araw nito.

Tinupad ng aktor ang wish ng 16-year-old fan niyang si Tonie na makita siya sa personal. Si Tonie ay may Rhabdomyosarcoma, isang rare type ng cancer na nabubuo sa skeletal muscle tissue, ayon sa mayoclinic.org.

Nagsimulang maging fan si Tonie ni David nang mapanood niya ito sa hit historical portal series na Maria Clara at Ibarra kaya naman niregaluhan niya ito ng isang abanico na siya mismo ang nagdisenyo.

Binigyan din niya ng sulat ang aktor.

Matapos ang Maria Clara at Ibarra, muling mapapanood si David sa panibagong serye.

Bida siya sa TV adaptation ng '90s film na Maging Sino Ka Man, kung saan makakatambal niyang muli si Barbie Forteza. Ipalalabas ito sa September 11 sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA DAVID AT BARBIE RITO: